DOST STARBOOKS | Science and Technology Academic and Reseach-Based Openly Operated Kiosks
Kahapon, Disyembre 6, 2024, ay naging makasaysayang araw para sa aming paaralan dahil pormal na inilunsad ang DOST STARBOOKS, ang kauna-unahang Digital Library ng Agham at Teknolohiya sa Pilipinas. Ang makabagong proyektong ito ay naglalayong magbigay ng access at kaalaman sa agham at teknolohiya para sa aming mga mag-aaral.
Lubos naming ipinapaabot ang aming pasasalamat sa The Fraternal Order of Eagles Club - Mt. Simurai Baao Eagles Club sa pangunguna ni Sir Rico Breboneria, para sa kanilang bukas-palad na donasyon ng isang desktop computer at sa kanilang pakikipag-ugnayan sa DOST-R5(Department of Science and Technology -Region 5) para sa system installation, orientation at training. Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng dedikasyon at pagsisikap ng aming Faculty President na si Sir Emman P. Bulalacao at ng aming School Head na si Sir Marlon B. Lamadrid.
Sama-sama nating inilalapit ang kaalaman at teknolohiya sa ating mga mag-aaral, tungo sa mas maliwanag na kinabukasan!